MANILA, Philippines (Eagle News) — Maglalaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P2.5 billion para pondohan ang assistance program na naglalayong matulungan ang mga lungsod sa buong bansa na ma-develop ang mga public open space nila.
Ayon sa DBM, ilulunsad ng ahensya ang “Green, Green, Green” Na isang unique assistance program na naglalayong gawing mas buhay at sustainable ang isangdaan at apatnaput limang lungsod sa bansa.
Ang nasabing programa anila ay nakalinya sa massive infrastructure initiative ng gobyerno.
Sa “Green, Green, Green” program ay susuportahan ang mga city government na gawing mga park o kaya ay garden ang public open spaces.
Maaari rin na ito ay gawing plaza at maglagay ng bike lanes at walkways.