MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi makalulusot ngayong long holiday ang banta ng terorismo.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni National Capital Region Police Office spokesperson, Police Supt. Kim Molitas na bagaman abala ang mga otoridad para sa bakasyon hindi rin naman sila nagpapakampante sa target-hardening measures.
Sa ngayon, wala pa naman umano silang natatanggap na anumang banta ng terorismo sa Metro Manila.
Para matiyak ang seguridad, mahigit 11,000 sa kanilang pwersa ang nakakalat sa buong NCR.
Katuwang din ng PNP ang Joint Task Force NCR ng Armed Forces of the Philippines o tinatayang 400 mga sundalo at panibagong 400 pang ibang pwersa bilang augmentation force.
Mayroon din aniyang 25000 force multipliers kasama rito ang mga barangay tanod, 9000 blue guards at mahigit 1000 miyembro ng Department of Health (DOH) at Red Cross na silang nakatutok sa kalagayang pangkalusugan ng mga bumibiyahe.Vic Somintac
https://youtu.be/NLrQghmzQ20