Lagdaan ng kasunduan para sa kalakalan ng PHL at China, sinaksihan ni Pangulong Duterte

(Eagle News) — Kasunod ng pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng opening ceremony ng Boao Forum sa Hainan, China. Sinaksihan din ng Chief Executive ang lagdaan ng ilang Business Letters of Intent (LOIS) ng ilang mga Chinese businessmen.

Ang nasabing LOI ay magiging bahagi ng Build, Build, Build Program ng administrasyong Duterte.

Kasama ng Pangulo ang mga miyembro ng delegasyon nito na kinabibilangan ng kanyang Cabinet Secretaries at iba pang government officials, kasama rin ng Pangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Samantala, kasama rin sa delegasyon ng Pangulo si dating pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Lumahok si Arroyo sa session ng Boao Forum at sinaksihan din ang five minute speech ng Pangulo sa opening ceremony.