MAYNILA, Philippines (Eagle News) – Ginawaran ng pagkilala ng Philippine Red Cross ang Eagle Broadcasting Corporation dahil sa papel nito sa pagpapakalat ng adbokasiya ng nasabing organisasyon.
Ang pagkilala ay iginawad sa 32nd Biennial National Convention ng Red Cross sa Maynila kamakailan.
May temang “The lifeline of the people” ang isinagawang aktibidad.
Ginawaran din ng pagkilala ang iba pang media na nasa online, radio broadcast at TV broadcast, at ang mga outstanding chapter ng Red Cross.
Iprinesenta din ng Philippine Red Cross ang kanilang mga achievement katulad nalang ng pagdagdan ng mga kagamitan, kasama na ang disaster response ship na MV Amazing Grace.
Iba’t ibang mga chapters ng Philippines Red Cross ang dumalo sa nasabing pagtitipon na mula pa sa iba’t ibang mga lugar sa buong Pilipinas. Earlo Bringas