(Eagle News) – Isinusulong sa Senado ang isang panukalang batas upang palawakin ang ibinibigay na diskwento sa pasahe ng mga estudyante.
Batay sa Senate Bill No. 1597 na inihain ni Senador Sonny Angara, dapat masakop rin ang dalawang buwang bakasyon ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng 20 percent discount sa pamasahe.
Sinabi pa ni Angara, maraming mga estudyante ang makakatipid sa kanilang bakasyon at ang maitatabi nila ay maaaring ipandagdag sa kanilang pambayad sa matrikula at iba pang gastusin sa muling pagbubukas ng klase.
https://www.youtube.com/watch?v=olGk-KNLC1A&feature=youtu.be