Aplikasyon para sa SHS voucher program, hanggang Abril 27 na lang – DepEd

(Eagle News) — Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa publiko sa deadline ng paghahain ng application para sa Senior High School Voucher Program.

Sinabi ng DepEd na hanggang Abril 27 na lamang sila tatanggap ng mga aplikante online sa pamamagitan ng pagtungo sa website ng Online Voucher Application Program ng ahensya na makikita sa kanilang website na: ovap.deped.gov.ph

Muli itong binuksan upang mas marami pang Grade 10 completer ang mabigyan ng pagkakataong makapag-enroll sa mga pribadong paaralan, state universities and colleges at local universities and colleges kabilang na ang mga technical at vocational schools na may Senior High School Program.