High-powered firearms na-recover sa hotel at security agency na pagmamay-ari ni Ardot Parojinog

Photo By: Dia Marmi Bazar

Ni Dia Marmi Bazar
Misamis Occidental News Bureau

OZAMIZ, Misamis Occidental (Eagle News) — Narecover ng Philippine National Police-Ozamiz ang iba’t ibang high powered firearms sa hotel at security agency na pagmamay-ari ni dating Misamis Occidental Provincial Board Member Ricardo “Ardot” Parojinog kamakailan.

Dala ang isang search warrant, ni-raid ng mga operatiba ng PNP sa pangunguna ni Police Chief Inspector Jovie Espenido ang Dottie’s Inn at ang MROP Security Agency sa Banadero.

Nakumpiska ang sumusunod:

  • 2 anti-tank rockets
  • 2 RPG
  • 3 rifle grenades
  • 15 12-gauge shotguns
  • 18 9 mm hand guns
  • 8 caliber ng .38 revolver
  • 1 M-16 rifle
  • 148 live ammunitions ng 9 mm
  • 73 pieces ng bala ng kalibre 38
  • 17 magazines ng 9 mm

Pagkatapos ng raid, dumiretso ang raiding team sa isang farm sa Brgy. Sangay Daku na pagmamay-ari ng katiwala ni Ardot na  nakilalang si Ian Dionson.

Narecover ng pulisya ang 1/4 kilo ng shabu na may street value na Php 4 million, dalawang rifle grenades, dalawang 40 mm rifle grenades at isang M16 na may M203 grenade launcher.

Sina Parojinog at Dionson ay kapwa pinaghahanap ng batas dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs trade.