(Eagle News) — Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na maging ma-ingat sa pagboto sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, marapat na tignang mabuti ng mga botante ang balota na kanilang gagamitin sa araw ng pagboto.
Kasunod ito ng mga nakitang pagkakamali sa poll simulation na isinagawa noong Abril, kung saan ilan rito ang pagsusulat ng pangalan ng kandidato sa SK sa balota ng barangay at iba pa.
Ang kulay ng balota ng SK elections ay kulay pula, maaari lamang bumoto rito ang mga kabataang may edad 15 hanggang 30, habang kulay itim naman ang balota para sa barangay elections.
Maaari lamang bumoto rito ang mga may edad 18 pataas.
https://youtu.be/F0ltK-6UXV0