(Eagle News) — Nakapaglagay umano ang China ng cruise missiles at surface-to-air missile systems sa tatlong outposts nito sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea.
Batay sa US Intelligence Report, nakapag-deploy na ang China ng YJ-12B cruise missiles na kayang tumarget ng mga barko na ang layo ay hanggang 295 nautical miles, gayundin ang HQ-9B long-range surface-to-air missiles na kaya namang tumarget ng hanggang 160 miles.
Nakasaad din sa report na ito ang kauna-unahang missile deployments ng China sa Spratly islands na pinag-aagawan ng iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas, Vietnam at Taiwan.
Inilagay ang tatlong missile sa Fiery Cross Reef, Subi Reef at Mischief Reef at ang pagde-deploy ay tumagal ng 30 araw.