(Eagle News) — Bago pa man pumutok ang liwanag nagwarm up na ang mga taga Sitio New Era, sa Alang-Alang Leyte.
Pagkatapos nito, sabay-sabay silang naglakad sa tinawag nilang fun jog.
Kasamang naglakad ang mga bata at matatanda na pawang mga naging benepisyaryo ng unang Worldwide Walk noong Pebrero 2014.
Mahigit sa 500 pamilya na naging biktima ng Bagyong Yolanda ang napagkalooban ng pabahay at hanap buhay ng Iglesia Ni Cristo.
Kaya naman lahat sila, handang-handa na makipagkaisa sa Worldwide Walk to Fight Poverty na layong tulungan ang mga taga-Africa na dumaranas ng matinding kahirapan.
“Makikipagkaisa kami dahil gaya namin noong una nahirapan at tinulungan kami ng mga kapatid kaya babawi kami. Tutulong din po sa kami kanila,” pahayag ni Gemma Verzosa, isa sa mga beneficiary.
Maging ang lokal na pamahalaan ng Tacloban lubos ang paghanga sa tulong ng ibinigay ng Iglesia Ni Cristo.
Kaya naman maging sila, nakahanda na makipagkaisa sa muling paglakad ng INC laban sa kahirapan.
“Now it’s our time to help. Na hindi lang tayo ang nangangailangan ng tulong, kundi maging ang mga nasa Africa. They need our help. We hope you that you would also join the Worldwide walk hindi lang dito sa Tacloban sa Pilipinas kundi maging sa Africa,” ayon naman kay Jerry Sambo Yaokasin, Vice Mayor ng Tacloban City.Mar Gabriel