Bilang ng mga napapatay ngayong election period pumalo na sa 33

(Eagle News) — Umakyat na sa 33 ang bilang ng mga namamatay ngayong panahon ng eleksyon.

Ito ang inanunsyo ni Philippine National Polcie Chief Oscar Albayalde sa isinagawang news briefing sa Camp Crame nitong Lunez, ika-14 ng Mayo.

Inihayag naman ng opisyal na nakapagtala na ng 36 na election-related violent incident mula ng magsimula ang election period. Pito aniya rito ang kumpirmadong election-related violent incidents.

“This is lower compared to the 2013 elections of 109 victims and 57 incidents. As of this time we have 36 compared to 57 incidents,” ayon kay Albayalde.

Bukod pa dito ay inaalam pa ang ibang insidente na posibleng election-related violence kung saan 33 dito ang napatay at 19 naman ang nasugatan.

Hindi naman aniya lahat ng napatay ay kandidato, iba rito ay mga sibilyan na taga-suporta lamang ng mga tumatakbo.

Bukod pa dito ay mayroon din aniyang 26 na sugatan at 24 na tinambangan pero hindi nasaktan.

Ayon pa kay Albayalde, mayroon nang 42 na insidente ng karahasan ang kanilang naitatala mula nang mag-umpisa ang election period noong Abril 14 ngunit bineberipika pa kung ito ay election-related violent incidents.

Ayon sa PNP chief, naka-full alert ang pulisya sa buong bansa para sa eleksyon kung saan 160,000 pulis ang ikinalat.

Samantala, itinuturing naman ng Commission on Elections (Comelec) ang election period na “good” na nagsimula noong Abril 14, ito ay sa kabila ng naitalang 36 na election related violence.

“Historically speaking that (number of incidents) is relatively low,” pahayag naman ni Comelec spokesperson James Jimenez.