Bagong paraan ng pamumuhunan inilunsad ng Bureau of Treasury

(Eagle News) — Inilunsad ng Bureau of Treasury ang makabagong paraan ng pag-iinvest sa tinatawag na Retail Treasury Bonds (RTB).

Ito na ang dalawampu’t isang issuance ng RTB ng Philippine government at kauna-unahan ito ngayong 2018.

Sa halagang P5,000 pesos maaari nang makapag-invest ang sinuman.

Bukod sa pansariling kapakanan na investment ay malaking tulong din anila ang RTB dahil nakakatulong ang isang investor sa mga pangunahing proyekto ng gobyerno tulad na lamang ng infrastructure program.

Kung ikukumpara kasi sa karaniwang time deposit sa bangko kung saan nasa 2.6 % lamang ang magiging interest ng halaga ng investment, di hamak na mas malaki naman ang interest kapag ipinasok sa RTB ang investment.

Aabot sa 4.8 % sa loob ng tatlong taon ang magiging interest rate pag nag-invest sa RTB.

Ang requirement naman para maka-avail ng nasabing investment ay ang pagkakaroon lamang ng peso account sa bangko na accredited selling agent ng RTB.Earlo Bringas