(Eagle News) — Nanawagan si Philippine National Police Chief Director General Oscar Abayalde sa mga police commander sa buong bansa na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang makamit ang ‘zero-crime incident’ sa pagbubukas ng pasukan ngayong araw, Hunyo 4.
Ayon kay Albayalde, nabuo nila ang operational guidelines kung paano makakamit ang zero-crime incident.
Dahil dito, pinakikilos ang lahat ng regional offices ng PNP at National Support Units upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa buong bansa.
Paliwanag pa ni Albayalde, prayoridad na tutugunan ng pnp ang mga insidente ng street crimes tulad ng pandurukot, snatching, swindling, hold-up, at street-level drug trafficking.
https://youtu.be/HxV2mgEwxkI