(Eagle News) — Nais tumungo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Kuwait upang personal na magpasalamat sa kanilang ibinigay na proteksyon sa mga Overseas Filipino Worker.
Sa kanyang meet and greet sa Filipino community sa South Korea, sinabi ng pangulo na wala siyang alinlangan na hindi tutuparin ng Kuwait ang mga pangako nito kaya’t bilang tugon ay kahit ilang oras lamang ay tutungo siya sa nasabing bansa para ipahayag ang kanyang pasasalamat.
Gayunman, hindi pa ipinahayag ng Pangulo ang petsa kung kailan siya bibisita sa nasabing bansa.
Kasunod ito ng paglagda ng Pilipinas at Kuwait sa isang memorandum of agreement (MOA) para sa mga OFW na kinabibilangan ng mga kondisyong itinakda ng Pangulo.
https://youtu.be/LykY_mc815A