DOLE, magsasagawa ng Independence Day Job Fair sa iba’t-ibang bahagi ng bansa

(Eagle News) — Mahigit 120,000 job vacancies ang available sa gagawing Independence Day Job Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa naturang bilang, nasa 63,000 ang mula sa local employers habang mahigit 53,000 naman ang overseas.
Karamihan sa mga bukas na trabaho ay ang nasa manufacturing, sales, service at hotel workers, engineer, nurse at construction.

Maliban rito, nasa mahigit 7,000 trabaho sa pamahalaan naman ang alok ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nasa 21 sites sa bansa ang pagdarausan ng job fair, kabilang na rito ang isasagawa sa Luneta. Jerold Tagbo

https://youtu.be/uPXAu3a-HHM