(Eagle News) — Bahala na ang Korte Suprema sa quo warranto petition na isinampa ni Atty. Elly Pamatong laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na isang independent body ang Korte Suprema na hindi maaaring panghimasukan ng ibang ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay Roque tiwala naman ang Malcañang sa karunungan ng mga mahistrado ng Korte Suprema para magbigay ng hatol sa mga usaping legal.
Si Pangulong Duterte ay sinampahan ni Pamatong ng quo warranto petition sa Korte Suprema upang ipawalang bisa ang pagkakahalal niya noong 2016.
“We respect the court as an independent institution. We are confident it will render the correct and wise decision. We are confident though that it’s utterly bereft of legal and factual merit,” pahayag ni Roque. Vic Somintac