Mahigit sa 150 pulis sa Metro Manila ang nahaharap ngayon sa dismissal matapos na mag-positibo sa paggamit ng iligal na droga.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Director Guillermo Eleazar na ito lamang ang tanging nakikitang solusyon sa mga pulis na nasasangkot sa iligal na droga.
“It isn’t surprising. There are are so many police in Metro Manila so by percentage, logically it would be higher,” ayon kay Eleazar. “Definitely, for these cops, dismissal is the only [punishment],” dagdag pa nito.
Ang bilang ay kasama sa naunang inanunsyo na aabot sa 300 na pulis ang sangkot sa illegal drugs.
Karamihan sa mga nagpositibo sa paggamit sa droga ay mga bagitong pulis.