(Eagle News) — Binabalak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa.
Kasunod ito ng pagtaas ng presyo ng brown sugar sa Php 54.15 kada kilo mula sa dating 47 pesos noong September 2017, habang nasa 64 pesos na ang presyo ng refined sugar mula sa dating 53 pesos.
Sinabi ni SRA Administrator Hermenegildo Serafica, patuloy na pagtaas ng presyo ng raw at refined sugar kasunod ng pagbaba ng produksyon ngayong taon.
Paliwanag ni Serafica, ang pag-aangkat ng asukal mula sa ibang bansa ay isa lamang sa mekanismo para bumaba ang presyo nito.