Kumalat na pekeng P10,000 hawak na ng BSP

(Eagle News) – Natunton na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 10,000 libong pisong kumalat sa social media.

Kinumpiska na ng BSP ang mga pekeng pera.

Sinabi ni Joy Lorico, managing director ng currency management ng BSP, sa Pampanga nila nakuha ang pekeng pera at nag-iisa lang ang kopya nito.

Naging viral sa social media ang P10,000 perang papel kaya agad na nagpalabas ang Bangko Sentral ng abiso sa kanilang facebook account.

Nilinaw ng BSP na wala silang inilalabas na P10,000 na perang papel  at itinuturing na krimen ang paggawa, pag-iingat at paggamit ng pekeng pera.

Dagdag pa ng BSP tanging P1,000; P500; P200; P100; P50 at P20 lang ang halaga ng mga perang papel sa bansa.

Bagamat noong 1998, naglabas ang BSP ng buong P 100,000 at P 2,000 centennial commemorative bills.

https://youtu.be/1-TjIixosTQ