7% na pribadong paaralan sa bansa, pinayagan ng DepEd na magtaas ng tuition fee

(Eagle News) — Pitong porsyento lamang ng kabuuang bilang ng mga pribadong paaralan sa buong bansa ang pinayagan ng Department of Education na magtaas ng kanilang tuition fee.

Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, mayroong 14,430 na pribadong paaralan sa buong bansa para sa school year 2018-2019. Mula aniya sa kabuuang bilang, 92 percent o katumbas ng 13,266 na pribadong paaralan sa bansa ang hindi nagtaas ng matrikula.

Ang 974 naman na pribadong paaralan na pinayagang magtaas ng matrikula ay katumbas lamang ng pitong porsyento sa kabuuang bilang ng pribadong paaralan sa buong bansa.

Habang 1 % o 114 na pribadong paaralan naman ang napaulat na nagpatupad ng bawas sa singil ng matrikula.

Samantala, wala pang pinal na listahang inilalabas ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga higher education institution na magtataas ng matrikula.

https://youtu.be/LwGerpHKUOk