(Eagle News) — Nilinaw ni 1st District Zamboanga City Congressman Celso Lobregat na pabor siya sa Bangsamoro Basic Law.
Kailangan lamang aniyang masusing himay-himayin pa ang nilalaman ng nasabing panukala upang matiyak na ito ay naaayon sa Saligang Batas.
Isa aniya sa mahigpit na pinagtatalunan dito ay ang partisipasyon ng anim na munisipalidad sa Lanao Del Norte, kung saan magkaiba ang bersyon ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso.
“Sinasabi sa Constitution na you cannot create merge substantially alter the boundary of a province, city, the municipality and even the barangay without the consent of the participation of the other unit, political unit directly affected,” ayon kay Lobregat.
Samantala, kung may mga probisyon pa sa panukala na hindi pa napagkakasunduan ay posibleng i-extend pa ng dalawa hanggang tatlong araw ang pag-uusap bago dumating ang araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kaniyang SONA ay inaasahang pagtitibayin na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang bicameral report.
https://youtu.be/ve_TftM00Vs