Mga balitang “no election” sa 2019, haka-haka lang – Political Analyst Prof. Carlos

(Eagle News) — Haka-haka lamang ang mga balitang walang magaganap na halalan sa bansa sa 2019.

Ayon kay Political Analyst Professor Clarita Carlos, labag ito sa Saligang Batas.

Malinaw aniya na nakasaad sa Konstitusyon na pagsapit ng 2022, lahat ng mga nahalal na opisyal sa nakalipas na tatlong taon ay magtatapos ang termino.

Iba-iba lang aniya ang mga palakad kung ano ang magiging transitory provision pero tiyak ni Carlos na lahat ay nais ng three-year term na magtatapos sa 2022.

“Pero I’m sure mayroong election kasi against naman sa saligang batas yung walang election, sapantaha lang iyon, those are just conjectures,” pahayag ni Carlos.

https://youtu.be/Uyzdl93YXlg