(Eagle News) — Aberya sa MRT at LRT, kakulangan ng iba pang pampublikong transportasyon at mabigat na daloy ng trapiko. Ilan lamang ito sa halos araw-araw na kinakaharap na problema nating mga Pilipino.
Kaya naman ilang investor ang may panukalang magtayo ng skyway project sa buong Pilipinas na ang pagbabasehan ay ang Railway Franchise Technology ng Russia.
Ang teknolohiya ay may iba’t ibang uri gaya ng recreational at urban type na maaaring maglulan ng 10,000 hanggang 50,000 katao sa bilis na 150 km/hour kada araw at ang high speed type ay maaaring maglulan ng isang milyon katao kada araw sa bilis naman na 500 km/hr.
Dagdag pa ni Engineer Bertito Hashimoto, may nakalaan ng US$5-billion na maaaring panimula sa nasabing proyekto.