Dalawang low pressure area, namataan ng PAGASA

Photo courtesy of pagasadost.gov.ph

(Eagle News) — Dalawang low pressure area (LPA) ang magpapalakas ngayong araw ng southwest monsoon o habagat.

Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang isang LPA sa layong 1,280 kilometro silangan ng Tugegarao City, habang ang isa naman ay namataan sa layong 615 kilometro kanluran ng Subic, Zambales.

Samanatala, ayon sa PAGASA asahan naman ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, maging sa mga rehiyon ng Mimaropa at Western Visayas.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may ilang mga pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila, Bicol Region, natitirang bahagi ng Visayas, Calabarzon at Central Luzon, gayundin sa natitirang bahagi ng Luzon at Mindanao.