(Eagle News) — Ipauubaya na ng Department Of Tourism (DOT) sa Commission on Audit (COA) ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Tourism Secretary Wanda Teo kaugnay ng umano’y kuwestyunableng advertisement deal sa “Bitag” media at PTV 4.
Ito ang kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa pagharap nito sa House Committee On Appropriations para idepensa ang kanilang panukalang P3.044 billion na budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Romulo-Puyat, kung hindi maibabalik ang P60 milyon na ad placement ng DOT na ipinasok sa Bitag media na pag-aari ng kapatid ni Teo na si Ben Tulfo sa loob ng anim na buwan ay maaaring magsampa ng kaso ang COA sa Office of the Ombudsman.