(Eagle News) — Patuloy na isasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run para sa expanded High Occupancy Vehicle (HOV) traffic scheme.
Ayon kay MMDA General-Manager Jojo Garcia, ito ay matapos magkasundo ang Metro Manila Council o MMC sa isang special session na pinangunahan ng MMDA.
Nakatakda naman anyang makipag-dayalogo ang MMDA sa Malacañang at mga miyembro ng Kongreso, upang kumbinsihin na mahalaga ang nasabing hakbang.
Gayunman, nilinaw ni MMC President at Quezon City Mayor Herbert Bautista na hinihintay pa nila ang assessment ng expanded HOV, na ang layunin ay hikayatin ang mga motorista na mag-carpool upang mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.
“We have approved a resolution that will extend the dry run and test the carpooling program of the MMDA. “We have to continue the dry run, know the findings of the MMDA and the affected local government units regarding the Expanded HOV scheme on EDSA and inner cities,” pahayag ng opisyal.
Samantala, nagkasundo rin ang Metro Manila mayors na taasan ang multa sa illegal parking kung saan Php 1,000.00 para sa mga attended vehicles, Php 2,000.00 na multa sa mga unattended vehicles habang Php 1,000.00 sa mga bus na dumaraan sa yellow lane sa EDSA mula sa kasalukuyang Php 500.00.
https://youtu.be/tGhFXoKyx50