Panibagong oil price hike, nakaamba

(Eagle News) — Matapos ang big-time oil price hike ng mga kumpanya ng langis ngayong araw, Setyembre 4 ay posible pang masundan ang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.

Ayon sa Oil Industry Management Bureau, ito ay dahil sa nararanasang political crisis sa mga bansa na pangunahing oil producers gaya ng Iran, Venezuela, at Libya.

Dagdag pa nila, tumaas ang presyo ng produktong petrolyo kahit nangako ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na daragdagan ang crude oil output ng dalawang milyong barrels noong Hunyo.

https://youtu.be/xw4kc1JWly4