Gamit ang thermal scanner nakadetect ang mga rescuer ng heartbeat sa ilalim ng gumuhong lupa sa Barangay Tinaan, lungsod ng Naga, Cebu.
Ang thermal scanner o infrared camera, ay isang kagamitan na may kakayahang maka-detect ng heartbeat ng isang tao sa ilalim ng gumuhong lupa.
Nabuhayan naman ng loob ang mga rescuer nang may ma-detect pa silang heartbeat at umaasa silang mahuhukay pa nila ito nang buhay.
Base sa pinakahuling datos, umakyat na sa 39 ang naitalang patay sa trahedya, hindi bababa sa 40 ang nawawala at mahigit 2,000 naman ang mga nasa evacuation center na.
Samantala, bukas, Setyembre 25 ay nakatakdang magsagawa ng martsa ang grupong Pusyon Kinaiyahan na tinawag nilang “Martsa Kontra Mina” kung saan layunin ng nasabing aktibidad na ipakita ang kanilang buong puwersa sa paghingi ng hustisya, para sa mga nabiktima ng malawakang landslide sa siyudad.
Magsisimula ang martsa, alas-7:30 ng umaga mula sa lungsod ng Naga hanggang sa Cebu Provincial Capitol.