(Eagle News) — Ginugunita ngayong araw ang pandaigdigang araw ng mga guro o World Teachers’ Day.
Kasabay nito, binigyang-pugay ni Education Sec. Leonor Briones ang lahat ng mga guro sa bansa at inanunsyo ang mga programang nakahanda para sa isang buwang pagdiriwang sa bansa.
Kinilala ni Briones ang sikap, tiyaga at dedikasyon ng mga guro para mabigyan ng magandang edukasyon ang mga mag-aaral.
Samantala, bagamat isang marangal na propesyon ang maging isang guro, aminado naman ang ilan sa kanila na kailangan pa rin ang karagdagang sahod upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Tinukoy ni Benjo Basas, National Chairperson ng grupong Teachers’ Dignity Coalition ang problema sa socio-economic condition ng bawat guro gaya ng mababang sweldo, hindi maayos na benepisyo, walang sariling bahay at hindi maayos na benepisyo sa kanilang kalusugan.
Sa tala ng DepEd, nasa mahigit 195,000 ang bilang ng public school teachers sa buong bansa.
https://youtu.be/L3n_UUmNKMk