(Eagle News) — Walang namamataang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon dahil sa umiiral na easterlies.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na minsan ay may kalakasan sa buong Palawan, eastern Visayas, central Visayas at Caraga Region dahil sa epekto ng easterlies.
Sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay makararanas ng mainit na panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, hindi nararamdaman ngayon ang northeast monsoon o hanging amihan ngunit posibleng sa Biyernes ay muli na itong umihip sa extreme northern Luzon.