(Eagle News) — Hinimok ng Department of Education (DepED) ang lahat ng mga paaralan sa bansa sa pagdiriwang ng Filipino Values Month.
Sa isang memorandum na inilabas ng DepEd, sinabi ni Education Undersecretary Atty. Nepomuceno Malaluan, na layon ng paggunita ngayong taon na magamit nang maayos ang makabagong teknolohiya upang mapatibay ang ugnayan ng pamilya maging sa pakikipag-kapwa tao.
Inaasahang makakatulong ang Filipino Values Month sa mga mag-aaral upang mamulat ang kanilang pang-unawa sa usapin ng human values.
Taun-taon isinasagawa ng DepEd ang aktibidad na ito tuwing buwan ng Nobyembre.
https://youtu.be/AZb2tAgBvJA