(Eagle News) – Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) ang nabubuong cloud clusters na posibleng mabuo bilang low pressure area o bagyo sa susunod na 24-oras.
Ang cloud clusters ay namataan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ngayong araw, apektado ng tail-end ng cold front ang silangang bahagi ng southern Luzon at Visayas. Habang ang northeast monsoon ay nakaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon.
Dahil sa tail-end ng cold front, ang buong Bicol Region, Mimaropa, Palawan, Western at Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na kalangitan may kalat-kalat na mahina hanggang sa malakas na pag-ulan.
Dahil naman sa northeast monsoon o amihan, maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Aurora at Quezon province.
Habang magiging maganda naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.
Nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao at makararanas lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorm.