AFP at PNP naka-full alert matapos ang ilang serye ng pag-atake ng NPA sa Bicol

(Eagle News) — Nasa full alert status ang buong pwersa ng militar at pulisya sa Bicol Region makaraan ang serye ng pag-atake ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Kinansela rin PNP Region 5 director Arnel Escobal ang bakasyon ng lahat sa kanyang mga tauhan sa rehiyon dahil sa posibleng maulit muli ang mga pag-atake ng komunistang grupo.

Nitong Martes, Disyembre 18 ay magkakasunod na sinalakay ng mga NPA members ang police station sa bayan ng Magallanes, Sorsogon kung saan tatlong mga pulis ang naitalang sugatan.

Sinundan ito ng pagpapaulan ng bala sa dalawang military detachment sa mga bayan ng Gubat at Juban sa nasabi ring lalawigan.

Ipinag-utos na rin ng liderato ng PNP ang deployment ng dagdag na mga tauhan ng Special Actions Force sa Sorsogon.