(Eagle NewS) — Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bahagi ng Tawi-tawi kaninang alas-5:28 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng pagyanig ay may layong 299 kilometro timog-silangan ng South Ubian.
May lalim ang pagyanig na 597 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng lindol at wala namang naitalang aftershocks.
Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian bunsod ng pagyanig.