(Eagle News) — Tiniyak ng Department of Justice na iimbestigahan nito ang alegasyon na isang empleyado ng kagawaran ang tumulong sa negosyante at itinuturong middle man sa 6.4 billion pesos na shabu shipment na si Kenneth Dong sa Muntinlupa City.
Si Dong ay naaresto ng National Bureau of Investigation nitong Lunes, Pebrero 4 sa tinutuluyan nito sa Katarungan Village, Muntinlupa City.
Ang Katarungan Village ay isang housing project noon ng gobyerno para sa mga kawani ng DOJ.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sisilipin nila ang anomang posibilidad at gagawin ang nararapat na hakbang ukol dito.
Sinabi naman ni DOJ spokesperson at Undersecretary Markk Perete na makikipag-ugnayan sila sa NBI para sa mga susunod nilang gagawin na aksyon.
https://youtu.be/QgUdwObssmQ