Pangulong Duterte, nais na tuluyang mawala ang iligal na droga sa bansa – PNP

(Eagle News) — Nais na ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang wakasan ang problema sa iligal na droga sa bansa.

Ito ang reaksyon ni Philippine National Police (PNP) Police Director General Oscar Albayalde sa pahayag ng Pangulo na mas magiging madugo ang kampanya laban sa iligal na droga.

Pero nilinaw ni Albayalde na ito ay ipatutupad ng Pangulo na makatarungan at nilinaw din ng Pangulo sa kaniyang pahayag na hindi ibig sabihin nito na marami pa ang mapapatay.

Noon pa man aniya ay ito na ang pangunahing kampanya ni Pangulong Duterte.

“Ito ay para mabigyang-diin yung War on Drugs natin at sa kampanya natin sa iligal na droga. Dahil ito ay talagang noon pa ay hangarin na ito ng Pangulo na matapos na ang problema ng bansa sa iligal na droga bago pa man matapos ang kaniyang termino,” ayon kay Albayalde.

https://youtu.be/i-gMhUlFX8A