(Eagle News) — Nasa 30 porsyento na o katumbas ng mahigit 19 na milyong balota ang naiimprenta ng Commission on Elections para sa halalan sa Mayo.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang kabuuang 19,705, 792 balotang naimprenta ng National Printing Office (NPO) ay mas mabilis sa kanilang inaasahan.
Tiwala ang opisyal na bago ang kanilang target date na April 25 ay matatapos ang pag-iimprenta ng mga balota lalo na’t may darating na karagdagang printers ang NPO.
Nasimulan na rin aniya na ma-imprenta ang mga balota para sa Region 8 o Eastern Visayas.
https://youtu.be/wZQ2VZYRtw4