Tagtuyot sa Rizal, ramdam na; mga may-ari ng irigasyon, bumibili na rin ng tubig

Ni Tantan Alcantara
Eagle News Correspondent

Eagle News – Ramdam na ang epekto ng El Niňo sa lalawigan ng Rizal. Makikita dito ang mga bitak na lupa at tuyong mga damo sa malawak na palayan.

Bagama’t bumaba na ang level ng tubig sa mga irigasyon doon, tuloy pa rin ang pagtatanim ng mga magsasaka sa nasabing lalawigan.

Hindi nagpa-apekto ang mga magsasaka sa init ng panahon at pagkatuyo ng mga pinanggagalingan ng tubig para sa pananim. Tinuloy nila ang pagtatanim sa mga lugar na kung saan ay malalapit sa pinagkukunan ng patubig.

Ayon pa kay Aling Klaring kapag ganitong panahon ay natutuyo ang ilog. Kahit  paisa-isang palay ay kanilang inaani para lamang may makain. Nagtatanim din naman sila ng iba pang mga pwedeng itanim sa panahon ng tag-init.

Anumang panahon ang dumating tag-init man o tag-ulan ay patuloy ang pamumuhay nila, ayon pa sa kanya.

Samantala, ayon naman sa may-ari ng irigasyon ay bumibili na sila ng tubig para lang may maisuplay sa ilang palayan na kanilang sineserbisyuhan