PHL Red Cross balik-operasyon na ang COVID-19 tests; Philhealth nagbayad na ng initial P500M

Screenshot ng Facebook Live presscon ni Senador Richard Gordon ng Martes ng gabi, Okt. 27, 2020.

 

Ni Meanne Corvera
Eagle News Service

(Eagle News) — Balik operasyon na ang Philippine Red Cross sa pagsasagawa ng COVID-19 test.

Natanggap na kasi ng PRC ang P500 million na initial payment ng Philhealth nitong Lunes ng gabi, Oct. 26, May kabuuang utang ang Philhealth na P1.1 billion noong Oct. 15.

“We’re preparing a letter, saying we thank you for your payment, but we need you to pay the full amount in accordance with the contract. We’re not asking anything. We’re not even asking for interest,” ayon kay Senador Ricahrd Gordon sa isang presscon nitong Martes ng gabi, Oct. 27.

Sinabi pa ni Gordon na hindi naman siya magbibigay ng deadline, ngunit nais sana niyang tuparin ng gobyerno ang pangako nitong babayaran ang kabuuang utang ng Philhealth sa Red Cross.

“I really don’t like to give deadlines because I don’t want to paint people in a corner. Pilipino tayo pare-pareho, eh. Mahal naman niya siguro ang bansa, siguro dapat may isang salita tayo,” ayon sa senador.

-Lahat ng Red Cross laboratories, bukas na muli-

Ayon kay Gordon, bukas na ang lahat ng kanilang laboratoryo sa buong bansa

Prayoridad ng kanilang operasyon ang Ninoy Aquino Internatoonal Airport para sa mga dumarating na mga OFWs at mga balikbayan

“I have requested the secretary general and all our laboratories around the country to open it to PhilHealth again. And we are going to have the testing again tonight at the Manila international airport muna. Then tomorrow regular testing will be conducted in full. So we are ready to test all the people who have not been tested. Yung mga nasa hotel ngayon, ipadala na nila at kaya namin i-test yan,” sinabi ni Gordon sa kanyang presscon na naka-Facebook Live kagabi.

Ayon sa senador, sa nakuha nilang datos umaabot sa mahigit 6,000 mga OFWs pa amg stranded sa mga hotels at mga quarantine facilities dahil hindi pa naisailaim sa testing matapos ngang ipatigil ang operasyon ng Red Cross.

Pero kahit balik operasyon na nilinaw ni Gordon na hindi malayong ipatigil nila ulit ang proseso kung hindi susunod ang Philhealth sa kanilang nilagdaang kontrata.

-Philhealth chief Gierran, nais ng renegotiation-

Ayon sa senador, nagpadala na ng sulat si Atty. Dante Gierran sa Red Cross kung saan nag-alok siaya ng renegotiation ng contract.

Gayunman, hindi raw papayag si Gordon hanggang hindi niya alam kung ano ang kailangang i-renegotiate.

“Give us a bill of particulars,” ayon pa sa senador.

“The Red Cross really bore the brunt of the testing.”

Nangako rin aniya si Gierran na ang balanse ng utang ay babayaran sa oras na ma-validate at ma-verify na ng Philhealth ang documentary requirements mula sa Philhealth.

Hindi raw alam ni Gordon kung ano pa ang mga dokumentong gusto ni Gierran mula sa kanila dahil naisumite naman ito at transparent ang kanilang operasyon.

Giit ng senador, marami namng ibang puedeng imbestigahan si Gierran sa Philhealth, at huwag na raw idamay pa ang PRC dahil sa malinis ang pangalan nila.

Sinabi pa niyang ayaw pa niyang lumaki pa lalo ang utang ng Philhealth sa Red Cross.

Nitong Biernes ay nagpahayag ang Philhealth na sisimulan na nilang bayaran ang utang nito sa Red Cross sa Lunes, Oct. 26.

(Eagle News Service)