Sa kabila ng mga pagtutol, itinuloy ng Land Transportation Office ang pag-i-isyu ng mga bagong plaka ngayong taon. Kailangan na daw palitan ang mga lumang plaka ng mga sasakyan maging ito man ay pribado o pampubliko. Giit ng DOTC, ito’y makatutulong umano sa seguridad sa mga motorista at pagsugpo sa mga tinatawag na kolorum na mga sasakyan. Duda naman dito ang marami at may agam-agam sa hakbang na ito dahil wala naman daw maitutulong ito kundi dagdag pahirap lamang sa mga motorista. Nanindigan naman ang LTO na ginagawa nila ito para maubos na ang mga colorum, kambal plaka at iba pang problema sa rehistro ng sasakyan.