Matatagpuan sa lalawigan ng Agusan del Norte ang ipinamamalaking Ecotourist Place na sakop ng munisipalidad ng Jabonga kung saan ito ang pang-apat sa Class Municipality ng lalawigan. Pangingisda ang isa sa hanapbuhay ng mga mamamayan dito, gayundin ang pagsasaka at pagmimina.
Malinaw at asul na tubig, malawak at berdeng kapatagan naman ang nakapalibot sa bayan ng Jabonga. Makikita din sa bayang ito ang magandang tanawin gaya ng kabundukan na dito ay maaaring matanaw angLake Mainit na tinaguriang 3rd Largest Freshwater Lake sa ating bansa.
Tuwing sasapit ang bakasyon, madalas pasyalan ang ilog na ito, hindi lamang para enjoyin ang tubig kundi pati na din ang panghuhuli ng isda.
Ang lugar na ito ay maaaring bisitahin hindi lamang ng mga mamamayan ng Jabonga kundi maging ng mga turista.
(Agila Probinsya Correspondent Princess Alvarez, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)