Kamakailan lang ay sinimulan na ang proyekto ng National Housing Authority (NHA) na Yolanda Permanent Housing Program sa bayan ng Batad, sa probinsya ng Iloilo.
Ayon kay Engineer Ronald Hermoso, ang layunin ng nasabing proyekto ay upang mabigyan ng permanenteng tirahan ang mga residente ng nasabing bayan na nasa coastal area o danger zone.
Dagdag pa niya, aabot sa isang 1,000 mga bahay ang itatayo dito at inaasahang aabutin ng pitong buwan bago matapos ang proyektong ito.
Sa ngayon ay patuloy pang isinasagawa ang housing project. (Batad, Iloilo)
(Agila Probinsya Correspondent Riza Mae Supnet, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)