Handang-handa na umano ang Department of Health (DOH) sa Bicol Region upang tiyakin na magiging matagumpay ang inilunsad nilang programa na Hi-5 o high impact 5.
Layunin ng proyektong ito na mapababa ang mga kaso nang pagkamatay ng mga ina at sanggol, labanan ang paglaganap nang sakit na HIV/AIDS, Malaria at iba pang uri ng sakit.
Isa pa sa layunin ng Hi-5 o High impact ay ang lalo pang pagpapalakas sa maternal health at pagpapababa ng infant mortality rate sa nasabing rehiyon.
(Eagle News Service Jay Paul Carlos, Jericho Morales, MRFaith Bonalos)