Kasalukuyang isinasagawa ang road widening sa lalawigan ng Tarlac, particular na sa kahabaan ng Romulo Highway National Road na nag-uugnay sa lungsod ng Tarlac patungo sa mga bayan ng Sta. Ignacia, Camiling at San Clemente.
Ayon kay Project Engineer Crisanto Capinpin,Jr., ang proyektong ito ng Department Of Public Works and Highways (DPWH) Region 3 ay nakatakdang tapusin sa loob ng siyam ng buwan o sa buwan ng Marso 2016.
Layunin ng proyektong ito na higit pang lalong maging maginhawa at mabilis ang paglalakbay ng mga motorista, kabilang na ang mga lokal at foreign tourist na dumarayo para mamasyal at magrelax sa mga sikat na tourist spots, gaya ng Hundred Islands sa lalawigan ng Pangasinan at mga naggagandahang beach resorts sa mga bayan ng lalawigan ng Zambales.
(Agila Probinsya Correspondents Ronald Pluma, Jun Santiago, Aser Bulanadi)