Isang sportsfest para sa mga kababayan natin na may kapansanan ang isinagawa sa Mariveles Bataan. Ang nasabing aktibidad na tinawag nilang ‘Palarong Pinoy’ ay naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayang PWD na makisalamuha sa lipunan sa kabila ng kanilang kapansanan.
Ang “Palarong Pinoy” ay binubuo ng palayuan ng talon, pataasan ng talon , palayuan ng hagis na isinagawa sa Mattel Beach Resort Mariveles Bataan at ang palarong sungka , patentero, jumping rope ay isinagawa naman sa Mariveles Sports Complex.
(Agila Probinsya Correspondent Larry Biscocho)