Tumaas ang presyo ng strawberry sa lalawigan ng Benguet dahil sa pag-unti ng produksiyon nito lalo na sa panahong ito ng tag-ulan. Umaabot na sa P250.00hanggang P300 kada kilo ang presyo ng strawberry kumpara sa dating karaniwang presyo nito na P100 kada kilo.
Ayon sa mga magsasaka sa naturang lalawigan, ang mga panahong ito ay panahon ng pagbaba ng prudoksiyon ng strawberry sapagkat patapos na ang pagbubunga nito, panahon na rin ito ng pagpupunla ng mga binhi ng strawberry para sa gagawing pagtatanim sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre.
(Agila Probinsya Correspondent Cesar Archer)