Pig Farming Program sa Cabuyao, Laguna

Nagsagawa ng isang Sustainable Pig Farming Program ang Agricultural Training Institute (ATI) Sa Brgy. Casile, Cabuyao City, Laguna.

Pinangunahan ito ng mga beterinaryo at facilitator ng nasabing ahensya kung saan tinalakay ng mga ito ang tungkol sa natural at organikong paraan sa paggawa ng pagkaing baboy.

Dito ay aktuwal na itinuro ang tamang proseso ng paghahanda, pagbuburo, tamang dami at timbang at paghahalo ng mga sangkap.

(Eagle News Service Jay Paul Carlos, Jericho Morales, MRFaith Bonalos)