Nanganganib na hindi lumaki at mamunga ang tanim na mais partikular dito sa lungsod ng Cauayan, lalawigan ng Isabela.
Maliban sa palay ay mais ang karamihang panananim ng mga magsasaka sa lalawigan. Dahil sa sobrang init ng panahon at wala pang ulan ay tuyong-tuyo na ang malawak na taniman ng mais.
Kung magtatagal pa ng mga ilang araw ang ganitong sitwasyon ay tuluyan ng malulugi ng malaki ang mga magsasaka dahil masisira ang kanilang mga tanim.