Ang Canla-on ay isang fourth class city sa lalawigan ng Negros Oriental. Ayon sa census, ito ay may populasyong 50,627 katao. Matatagpuan ito sa 168 kilometro (104 mi) hilaga mula sa panlalawigang kabisera ng Dumaguete City.
Ang Canla-on ang mayroong pinakamataas na bundok sa lalawigan kung saan ay matatagpuan dito ang may 2,465 metro (8087 ft) sa itaas ng dagat sa kaniyang pinakamataas na point.
Ang nasabing lalawigan ay nahahati sa labing dalawang (12) barangays.
Ang balete tree o “wonder tree” ay matatagpuan sa barangay Lumapao, Canla-on City Negros Oriental ang napakalaking puno ay nakatayo sa gitna ng palayan at taniman ng kape sa Oisca Farm.
Ito ay may 1,328 taon gulang na, hindi bababa sa 42 katao upang mapalibutan ang trunk nito.
Ang punong ito ay may mga insektong nanirahan tulad ng butiki, paniki, klase klasing ibon at alitaptap (fireflies).
Libu-libong fireflies ang siyang nagbibigay liwanag sa gabi na nakapalibot sa buong punong kahoy. Ang wonder tree ay ang pangunahing tourist attraction ng Canla-on City.
Ang Inland Resort naman ay matatagpuan sa barangay Malaiba, Purok Everlasting sa Canla-on City parin.
Mula sa main city ng Canla-on hanggang Inland Resort ay may 15 mins. biyahe. Ang pangunahing masasakyan ay single na motor o habal-habal.
Ang Inland Resort ay developed by the local government ng Canla-on. Ang tubig na nagmula sa inland ay ang siyang pangunahing nag-supply sa mga taniman sa buong barangay ng Malaiba.
Ito ay ilan lamang sa mga tourist attraction sa Canla-on City lalawigan ng Negros Oriental. Marami pang pwedeng mapuntahan sa lugar na ito tulat ng Mt. Canla-on, Sudlon Waterfalls, Margaha Valley atbp.
Marami ng mga taong dumadayo sa mga nasabing lugar mula sa taga iba’t-ibang lugar pati narin mga dayuhan ay bumibisita din sa lalawigan.
(Agila Probinsya Correspondent Lleobeth Acogido)