Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kamakailan lamang, na hanggang Disyembre na lamang ngayong taon puwedeng gamitin ang mga lumang perang papel.
Ayon Kay Rodora Teresa Ramoso, BSP Cabanatuan Branch Research Specialist, bawal nang gamitin ang mga lumang perang papel sa Enero 2016, pero paglilinaw niya pwede pa itong ipapalit sa mga bangko o sa BSP.
Tinukoy din niya ang pagkakaiba ng new design series (NDS) sa new generation currency (NGC), na mas malapad ang security thread sa bagong perang papel o ang NGC at papalaki ang serial number nito kumpara sa lumang pera na pantay-pantay, pareho pa rin ang mga bayani ngunit mas pinabata ang mga hitsura nila kesa sa luma.
Paliwanang pa ni Ramoso, mawawaalan na ng halaga ang mga lumang pera simula Enero 2016 kaya kailangan na aniyang gamitin ang New Generation Currency (ngc) para maiwasang maloko ang publiko laban sa mga pekeng pera.
(Agila Probinsya Correspondents Ela D. Reyes, Emil Baltazar)